Ang mabilis na pagtugon sa pangangailang ng ating frontliners sa Malabon

Lubos po akong nagpapasalamat sa staff ng Branch 56, MeTC-Malabon sa mabilis na pag-aksyon at pagdonate para sa mga frontliners natin sa Malabon. Nakalikom kami ng 18,000.00. Ito ay ibinili ng 110 packed lunch para sa frontliners ng Ospital ng Malabon (50), Police Detention Center (30) at Malabon City Jail (30). Ang sobra ay ibinili ng bigas at canned goods para ipamigay sa mga guards na bantay ng MeTC&RTC, Malabon at sa iba pang nakatira sa Malabon na lubos na nangangailangan.