Lubos po akong nagpapasalamat sa staff ng Branch 56, MeTC-Malabon sa mabilis na pag-aksyon at pagdonate para sa mga frontliners natin sa Malabon. Nakalikom kami ng 18,000.00. Ito ay ibinili ng 110 packed lunch para sa frontliners ng Ospital ng Malabon (50), Police Detention Center (30) at Malabon City Jail (30). Ang sobra ay ibinili ng bigas at canned goods para ipamigay sa mga guards na bantay ng MeTC&RTC, Malabon at sa iba pang nakatira sa Malabon na lubos na nangangailangan.

Maraming salamat din kay Judge Peng Soriano sa pagdonate ng 5,000. Sa mga gustong magdonate na taga korte ng Malabon o sa ibang korte man o pribadong tao, paki-kontak po si Ayni Villalino (09087761254) o si Miriam Aganon (09298692301).

Tayo po ay magtulungan sa panahon ngayon. Hindi man tayo pisikal na makakalabas ay may mga paraan upang tayo ay tumulong kahit nasa loob ng bahay.

Maging maingat. Palakasin ang resistensya. Higit sa lahat magdasal sa Panginoon.
SHERYLL DOLENDO TULABING
Executive Judge - MeTC, Malabon